Ano ang Pag-Ibig??



      "Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng                             salitang Pag-Ibig?"
  
   Bawat isa sa atin ay naghahangad Na makatagpo ng isang tao na magpupuno sa ating Kakulangan. Ang pag-ibig ba ay naka base lamang sa salitang kasiyahan?  Ang pag ibig ay na ngangahulungan ding sakit.  Dahil darating parin sa puntong masasaktan at masasaktan ka.  Ang pag ibig ay kadalasan nagiging tanga tayo lalo na kung tayo ay nag mamahal ng sobra.
         Marami na akong nasaksihan na nag mamahalan,  sa una aakalain mong puro lamang kasiyahan ngunit dumarating parin sa puntong masasaktan ka. Sabe nga nila na kapag hindi ka nasasaktan sa isang relasyon hindi ka tunay na nagmamahal.  Dumarating din sa puntong kahit nag kamali ng disisyon yung taong minamahal mo handa mo parin siyang unawain at patawarin.  Para lamang sa taong mahal mo kailangan mong lunukin ang buo mong pride maparamdam mo lamang na mahal na mahal mo siya, hindi mo siya kayang tiisin at hindi kayang iwan. 
      Ang mag mahal sa una aakalain mong ganon lamang kadali.  Para sakin ang tunay na kahulugan nito ay pag-unawa dahil kung wala kang pag-unawa sa taong mahal mo ay hindi mabibigyang halaga ang salitang pag ibig.

Comments

Popular posts from this blog